
litrato: Alak na nakalalasing (mas mabilis kung ipupukpok sa ulo)
Masaya na ako at dumating ka sa buhay ko. Nagagawa ko na ulit tumawa, humalakhak, ngumiti. Hindi na ako yung dating si Elbert na tahimik, suplado, hindi makausap ng maayos. Lahat nagbago simula ng dumating ka. Hindi ko rin alam kung bakit ganito nararamdaman ko sayo. Ang mahalaga sa akin eh masaya ako sa nararamdaman ko, sana ganun ka din.
Isang text. Galit ka na. Ayaw mo na akong kausapin, replyan, ipinagtabuyan mo na ako. Ganon lang ba talaga kadali ang kaligayahang mararamdaman ko? Akala ko pang matagalan na. Pinasabik lang ba talaga ako?
Oo aaminin ko mahal na kita. Sa sandaling pinagkakilala natin eh nahulog na ang loob ko sayo. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto, isasasama ko na rin ang segu-segundo na hindi ka nawaglit sa isipan ko.
Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko. Akala ko magiging masaya na ang mga araw na darating pa sa buhay ko. Hindi pala at hindi ko alam kung magiging masaya pa. Gusto kong sumigaw, magwala, magalit sa sarili ko (engot, insensitive kase), magpakalasing para lang makalimutan ko kahit saglit itong sakit sa damdamin ko.
Ayoko na ng ganito. Hindi na ba ako magiging masaya? Lagi na lang bang sakit ang aking madarama? Lagi na lang ba akong iiyak, magmumukmok, ihihiwalay na naman ang sarili sa mundo?
Sabi nga sa lyrics ng Beer by Itchyworms
Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na ‘to o ang pag-ibig mo?
Sympre mas gusto ko ang pag-ibig mo…..

0 comments:
Post a Comment