Wednesday, December 10, 2008

Comfort Zone


litrato: tanikala.. igapos mo ako at wag nang pakawalan pa..

Ilang araw na akong puyat, nagiisip, nagmumuni-muni, nagtataka kung bakit nagiging ganito takbo ng buhay ko ngayon. Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero para bang buwan na ang nagdaan. Kelan lang eh tahimik ako sa comfort zone ko, masaya, lumalabas kasama ang mga kaibigan, papindot-pindot lang ng camera, umaasang makakakuha ng larawan na maganda.

Heto at bigla kang dumating sa buhay ko. Ilang araw pa lamang kitang nakikilala eh ang lakas na ng dating mo sa akin. Hinahanap hanap ang mga matamis mong ngiti, ang iyong pagtawa, pagsimangot, pagtataas ng boses at pag-aalala. Ikaw na nga ba ang matagal ko nang hinihiling? Makakapagpanumbalik ng kulay at ngiti sa aking buhay? Arrgg… Ewan ko. Hindi na ko sanay sa ganitong damdamin. Dahil sa iyo napalabas ako sa comfort zone ko.

1 comments:

Rizza said...

ito ang epekto ang pagiging in love... but it's always nice to be in love... just don't get yourself hurt in the process like me hehe